Afiah) "I'm sorry babies for what happen last night." Hingi kong paumanhin sa aking mga anak. Nakasimangot sila na nakatingin sa akin. Pareho sila na nakaupo sa may sofa. "Hindi kami galit sayo, nag- alala lang naman kami ni Prince kasi hindi ka namin makontak." Si King ang sumagot. Napa-squat ako para pumantay sa dalawa. "Are you sure?"pinupungay- pungay ko ang aking mga mata. At mas nagpokus ako kay Prince. Sa dalawa, si Prince talaga ang mahirap aluin. Sa katunayan, todo simangot parin ito, habang bahagya nang nakangiti si King. Nakatitig sa akin si Prince. I pout my lips na parang nagpapa- cute ako. Sandali pa syang nakatitig sa akin hanggang sa ngumiti narin sya kalaunan. Para akong nabunutan ng tinik. "Sorry din mommy if I'm mad at you. Kasi yong surprise namin ni King sayo

