BFW 8

1244 Words
(Afiah) Binalak kong tumakas pero nanakit ang aking katawan kaya naisip kong ipagpaliban muna. Pero nang sumunod na araw ay nagkaroon ako ng lagnat. Dahil siguro ito sa pananakit ng katawan ko at ng balakang ko. Halos hindi ako makatayo at lagi akong nahihilo. Mag- isa kong inalagaan ang aking sarili. Awang- awa ako sa akin, sa tingin ko wala akong malalapitan. Mahinang katok ng pintuan ang nagpagising sa akin. Sa pag-aakalang ang asawa ko ang dumating, kaya kahit hilong- hilo ako, pinilit kong bumangon, para mapagbuksan ng pinto ang mahal kong asawa. "Hey, are you ok?" Tanong ng lalaking napagbuksan ko ng pinto. Blurred na blurred na sya sa aking paningin. Hanggang sa tuluyang akong nawalan ng malay. " You asshole! Where are you?" Narinig kong boses lalaki. Galit ito sa kausap nito. "Your wife is in the hospital. Go home immediately." Tuluyan kong inimulat ang aking mga mata. Pinalinga- linga ko ito sa buong paligid. Puting dingding ang nakita ko. Napakunot-noo ako. Naka-dextrose kasi ako. At alam kong nasa hospital ako. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Saven, nakasandal na nakatayo sa dingding at may kausap sya sa kanyang cellphone. Umigting ang kanyang panga bago nya galit na tinapos ang tawag. "Buti naman at gising kana." Aniya nang napatingin sya sa bungad ko. Ngumiti sya sa akin. "Ikaw ba ang nagdala sa akin dito sa hospital?" Tumango sya. "You'll be fine! Ok naman ang mga laboratory result mo." Lumapit sya sa akin. "Ako lang muna ang bahala sayo habang nandito ka sa ospital. Hindi pa kasi tapos ang business transaction ni Seighfred sa US." Winaksi ko ang kalungkutan. Kung alam lang nya kung ano ang ipinunta ng kapatid nya sa US. "Salamat! But, you don' t have to do that. Kaya ko ang sarili ko." " I know that you are, but I still insist. After all, you're a family Afiah." Mahinahong ang boses nya. Hindi nalang ako nagreklamo. Naawa siguro sya sa akin dahil sa ginawa ng kapatid nya. Si Saven nga ang nag- aalaga at nag- aasikaso sa akin sa hospital. Tatlong araw akong nanatili sa hospital, pero ni anino ng asawa ko ay hindi nagpakita sa akin. Wala nga pala akong halaga sa aking asawa. Mas mahalaga pala si Lauren sa kanya, kaya nandun sya ngayon sa piling ng babae. Ngayon araw na 'to ay tuluyan na akong lalabas sa hospital. "Kung may kailangan ka, just tell me." Ani ni Saven sa akin. Napatitig ako sa kanya. May kailangan nga ako sa kanya. "M- May kilala kabang abogado?" bigla nalang lumabas sa labi ko. Napakunot- noo sya. "Yes. Why?" "O- Pwedeng ipakilala mo sa akin." nagsusumamo ang mga titig ko sa kanya. "Yah, sure. No problem!" Mabuti nalang at hindi na sya nag- usisa pa. Pagkalabas ko sa hospital, agad din kaming dumiretso sa abogado na kilala nya. Walang kaalam- alam si Saven na tuluyan na akong nag- file ng divorce paper para sa amin ng kapatid nya. Sa ibang bansa kami ikinasal ni Seighfred, kaya madali lang ma- process ang divorce namin. It only need a huge amount of money to process it overseas. May pera na iniwan ang aking ama para sa akin, idagdag din ang nakuha ni papa mula sa gobyerno. Gagamitin ko sana yon para makapagsimulang muli, pero mukhang magagamit ko yon para sa prosesso ng divorce namin ni Seighfred. Okay lang. Bahagi naman ng pagsisimula ko muli ay ang tuluyan makalaya sa mapanakit kong asawa, kahit pa mahal na mahal ko sya. He will dumped me later, pag pakakasalan na nya si Lauren. Ayaw ko nang hintayin ang araw na yan dahil ayaw kong mawalan ako pati respeto sa aking sarili. Bumili din ako ng bago kong cellphone. Nagmessage ako kina Claudia at Gio na puntahan nila ako sa penthouse ni Seighfred pagkatapos ng tatlong araw. Mas mabuti nang makasiguro ako. Kailangan ko nang iwanan si Seighfred. Hindi ko na kaya ang mga pinaggagawa nya sa akin. Pagod na pagod na ako. Sobra na akong nasaktan. Nakakapagod na ang masaktan ng paulit- ulit, physically and emotionally. Nakatayo ako habang nakatingin sa divorce paper namin ni Seighfred na nakapatung sa center table. Perma nalang ni Seighfred ang kulang nito. Umaasa ako na uuwi na sya ngayong gabi para matapos na kami. Nakahanda na nga ang mga gamit ko. Kung hindi sya magmatigas at tuluyan na nya akong pakawalan, aalis at aalis din ako agad ngayon gabi. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Iniluwa doon ang magaling kong asawa. Para syang dumaan sa matinding depression sa kanyang hitsura. Frustrated na frustrated sya tignan. Nagkatitigan kami. Bahagya akong napakunot- noo, iba kasi sya makatitig sa akin ngayon. Hindi ko mabigyan ng kahulugan ang emosyon na nakikita ko sa kanyang mga mata. "B- Baby." sambit nya. Binitawan nya ang kanyang dalang bag, saka sya nagmadaling lumapit sa akin. Naninigas ako nang bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Para syang sabik na sabik sa akin. Itinulak ko sya. Ayaw ko nang mamayani ang matinding pag- ibig ko na para lang sa kanya. Bumitaw sya sa akin, pero hindi parin nya inalis ang kanyang mga mata sa akin. Mahina kong inalis ang bara sa aking lalamunan saka ako nagsalita. "M- Mabuti naman at umuwi kana." napalanghap ako ng hangin at humugot ako ng lakas nang loob. "Hinintay talaga kita." kinuha ko ang divorce paper namin saka ko iniabot sa kanya, tinanggap naman nya ito. "I want you to sign that. Makipaghiwalay na talaga ako sayo at wala kanang magagawa. Hindi ako natatakot sa mga banta mo sa akin. Wala akong ginawang masama sayo at hindi kita pinikot. Hindi ako gold digger kaya sayo lang lahat ng pera mo, isaksak mo lahat sa baga mo. Wala akong ibang hihilingin mula sayo kundi ang kalayaan ko lang. Perma mo lang ang gusto at ako na bahala sa prosesso ng divorce natin, padadalhan nalang kita ng kopya. Pagkatapos nito, wala kanang maririnig na kahit na ano mula sa akin at hindi narin ako magpapakita sayo kahit kailan. Permahan mo na yan bago ko pa mapagkamali na sabihin kay Lauren ang lahat. Mahal ako ni Lauren, handa syang magpalaya para sa akin. Kaya bago pa sya tuluyan mawala sayo, permahan mo na yan." sunod- sunod kong sambit habang may lakas na loob pa ako. Masama man isipin pero hinaluan ko na ito ng pananakot sa kanya. Tumingin sya sa papel, binasa nya ito. Saka sya tumingin sa akin. "Sorry!" aniya saka walang sabi- sabi na pinunit nya ang divorce paper namin. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa saka ito naniningkit na tumitig sa kanya. "Bakit mo yan pinunit?" napatulo na ang luha ko. "Talagang ayaw mo akong pakawalan. Walang hiya ka!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili at sinuntok- suntok ko sya sa dibdib, habang walang tigil sa pag- agos ang aking luha. Hinayaan nya lang ako. Sobrang kabiguan ang nadarama ko ngayon. Gusto kong maging tama at legal ang paghihiwalay naming dalawa, kaya ko sya hinintay. Kung alam ko lang na ito ang mangyayari, sana tinakasan ko nalang sya. Hinawakan nya ang aking pulsuhan kalaunan para pahintuin ako sa ginawa kong pagsuntok- suntok sa kanya. Hinanda ako na ang aking sarili na pagbuhatan nya ng kamay pero nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. "Please, don't leave me Afiah. Give me another chance, magbabago ako. Pangako, magbabago ako. Mamamatay ako pag iniwan mo ako. Please, give me another chance." aniya habang nakaluhod sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD