(Afiah) Dahil sa walang tulog kaya medyo namumugtong ang aking mga mata ngayon. Papaumaga na nga ako nakatulog, maaga din akong nagising. Hindi talaga ako mapakali hangga't hindi ako nakakasigurado na safe na ang sekreto ko mula kay Seighfred. Kaysa mabaliw ako sa kakaisip ng mga pwedeng mangyari, napagpasyahan ko nalang na labhan ang ilang sa mga labahin namin. Pagkatapos kong maglaba, nagsaing ako ng kanin. Nakahiligan na namin ang kumain ng kanin sa umaga. Pagkatapos kong magsaing gamit ang rice cooker, ang pagsasampay na naman sa mga nalabhan ko ang ginawa ko. Mas mabuti nang may pinagkaabalahan ako kaysa kung ano't ano ang pumapasok sa isip ko. Paano kung pumunta ngayon si Seighfred ngayon dito sa amin, tapos makita nya ang kambal? Bakit ba hindi ko naisipan na ilipat agad ng

