Afiah) Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Seighfred. Nagkatinginan kami at parehong pinapakiramdaman ang isa't- isa. Kanina, naabutan ko pa na halos patayin na nilang dalawa ni Alfred ang isa't- isa sa kanilang mga titig. Ngayon, kasama na ni Alfred ang kambal pati si Manang Mercy, sa labas nalang daw mag- agahan ang mga ito. Sa hinaba- haba ng paliwanag ko, pumayag din ang aking anak na iwanan ako dito sa lalaking kinaiinisan nila. Ayaw ko man, pero kailangan namin pag- usapan ni Seighfred ang tungkol sa mga anak namin na kaming dalawa lang. Magkaharap kaming nakaupo ngayon, pareho kaming tahimik. "So, we have a twin sons?!" basag ni Seighfred sa katahimikan namin. Hindi maganda ang hilatsa ng kanyang mukha. Para syang galit. Ako naman ay kabang- kaba ngayon. Hindi ko pa nga nasi

