Chapter 2

3383 Words
Stacey's "BUZZINESS, THE COUNTRY'S leading magazine for entrepreneurs, featured Mr. Jio Eross Delravin again as the 'business genius' for this year. Mr. Jio has been the bearer of this title for five years now." Huminto muna ako saglit para lumunok ng laway; kanina pa ako tuloy-tuloy na nagsasalita. "To even have the recognition of the Buzziness for five consecutive years, how amazing is that? It is an articulate evidence that Mr. Jio's wits and decision making skills are top notches that we can't ignore. Contrarily, this is not the plate that amazed me the most regarding Mr. Jio's story, but something else..." Sinadya kong mag-cliffhanger, dahil ang susunod kung sasabihin ay ang nadiskobre ko kagabi na nagpagulat sa akin; tiyak kong pati sila ay magiging gan'on din ang reaksyon. Nakakatuwa naman na kasalukuyang makitang nakikinig nang maigi ang mga kaklase ko sa akin, dahilan para mas naging confident ako na nagawa ko nang maayos ang report na ito. Pero sa kabila ng atensiyon na nakukuha ko sa kanila, may isang masama ang timpla ng mukha — si Professor Clint. Facial expression palang niya ay feeling ko kinukutya na niya ang report ko; nagtaka tuloy ako kung lacking ba o may mali sa output ko. "Before we resume, let me ask you a question... would you believe me if I told you that a 16-year-old is capable of running a multinational company?" Walang tumugon; pero base sa mga mukha ng kaklase ko, hindi sila naniniwala. Multinational company ang pinag-uusapan hindi tindahan, hindi rin fishball-lan. "Sounds a myth right? Well... that's no more a myth; it was debunked nine years ago. In 2012, Delravin's was in peril due to Mr. Sardge Delravin's negligence. To make it short, Mr. Jio's father invited bankruptcy at Delravin's doorstep." "However, Mr. Jio's wits and intellect was something out of the ordinary. With him leading the company in the shadows, Delravin's crisis perished and not only it was able to bounce back to its former glory, but since then the company has been reaching greatwr heights. This information that I obtained was confirmed by Buzziness and other business magazines as well." "Even up to this year, Mr. Jio didn't rust at all. Another interesting fact about this humble man is that when Mr. Jio graduated from college, he was a Summa c*m Laude, thereafter, he legally inherited and managed-" "Ahem," isang pagtikhim ang bumasag sa momentum ng aking pag-re-report; galing iyon kay Professor Clint, kaya wala akong choice kung 'di ihinto ang aking ginagawa. Isa mga pinakaayaw ko talaga ay ang i-interrupt habang nagsasalita; napaka-disrespectful n'on kahit saang anggulo tingnan. For the love of thousand stars, si Professor Clint pa talaga, eh siya itong nag-implement ng rule na 'No one is permitted to disrupt someone in the middle of his or her report. Sa pagka-alala ko, hindi siya exemption sa rule na 'yon; walang karugtong 'yong rule niya na 'The rule is not applicable to me'. Maliwanag na maliwanag na nilalabag niya ang sarili niyang batas. Nonetheless, pinipigilan ko ang aking sarili, kahit na gustong-gusto ko nang sumabog. "Ms. Archival, performance-wise, I would say. The work was memorized very well and I love the confidence. But I would love it better if your content is of quality," sambit niya at nagpataw ng isang ngiti. Umiiling-iling ang kanyang ulo ngayon; kung idagdag natin ang winika niya kamakailan lang, masasabi kong disappointed siya sa naging performance ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ang ibig sabihin niya sa 'of quality'. Dahil ang mga kaklase kong naunang nag-report sa akin ay rag-to-riches ang istorya; hindi naman siya bumoses. Sa pagkaalala ko get to know the business then impart a lesson ang instruction, pasadong-pasado ang report ko sa instruction kung ganoon dahil nagbibigay ako ng another perspective kung ano ang inspiring. "I want to ask you... which part exactly of Mr. Jio Delravin's story was inspiring. It was loud and clear that your report was a biography of someone who was born with a silver spoon shoved his mouth!" he added. "Well... I wouldn't dare argue with you about that Professor Clint, but acco-" napahinto ako sa pagsagot nang kumalbog ang kanyang desk. "Then what are you doing in front of us? Go sit and stop wasting our time. The crowd wants nothing from your story!" nakangiwi ang kanyang mukha matapos sumigaw. Ano bang ikinakagalit niya? Napatahimik ang buong silid sa inasta ni Professor Clint; nagtinginan ang mga kaklase ko, habang ang iba ay nagbulong-bulungan. Mukhang pati sila rin ay nagtataka sa mga naging aksiyon ni Professor Clint. Buti nalang at di nila ako tinatawanan, dahil kapag nagkataon, magiging napakakwestiyonable ng humor nila. Si Ren naman ay napakasama ng titig na ipinupukol sa guro; parang kakatay ng tao. Nagpalamat naman ako sa concern niya pero kaya ko ito; hindi ako 'yong tipo ng tao na sasalo ng pang-aalipusta, kahit guro ka pa papatulan kita. "Professor Clint, I think you should speak for yourself; the audience's stares... well, it doesn't look like they wish for me to take my sit? Yes?" maririnig ang mahinang 'oo' at 'yes' mula sa mga kaklase ko, pero hinuha ko ay unconscious response nila 'yon mula sa pagkagulat, kagaya nalang ni Professor Clint na nakaawang ang baba at nanlaki ang mga mata; 'di niya 'ata ni-anticipate na papatulan ko siya. "With due respect, Professor Clint, will you stop interrupting me while I'm in the middle of my own show? How would you feel if I shove a turd inside your mouth while you are blabbering your sorry life story that we didn't pay for? You were the one as well who implemented the rule 'No one is allowed to interrupt someone in the middle of his or her report', but looking at your recent actions, it looks like the rule was breached or perhaps you were an exemption to that rule? No? That's what I thought... there were no add ons that it doesn't apply to you.." Ang ibang naka-recover na sa mga kaklase ko ay nagsimulang magbulong-bulungan, habang ang iba ay humahagikhik; pinipigilan na tumawa nang malakas. Si Professor Clint naman ay lumunok ng laway, habang balisang lumilinga-linga sa paligid. Mukhang pinoproseso pa niya ang nangyari o nanghahanap siya ng ma-i-rebutt sa akin? 'Di ko alam kung alin sa dalawa, pero ipagpapatuloy ko nalang siguro ang pag-report ko, kaysa hintayin na mahanap na niya ang kanyang tinig. "It happens that Professor Clint is too stunned to speak at the moment. Guess I will have to resume my report." Pagkatapos nitong report ko at sa mga susunod pang araw, mukhang kailangan kong ihanda ang sarili ko. Kapag itong si Professor Clint naka-recover na, babawian ako nito panigurado; 'di papalampasin ng isang 'to ang pamamahiya ko sa kanya. Kaya nababahala ako sa dalawang bagay n puwedeng mangyari: una, ay baka pagtuonan na niya ako ng pansin kapag nagla-life story siya, madalas pa naman ako matulog sa klase niya; pangalawa, baka damayin niya ang grades ko — hinuha ko pa naman ay siya 'yong tipo na kapag 'di ka gusto, bibigyan ka ng maliit na marka. "Being the considerate that I am, let me repeat myself for the people who lack the intellectual quotient to understand my point... running the company at the age of 16 under the shadows; inheriting Delravin's at the age of 21; without a miss earning the 'business genius' title for five consecutive years—if we are to add up all those years, it would sum up to nine years. Nine whole years of growing up, while proving to everyone that you are more than just your surname, even though you are not obliged to — that must have been hard. The expectations and pressure must have been weighing Mr. Jio down endlessly." Ang mata ng mga kaklase ko ay may kakaibang kinang na para bang gusto pa nila makarinig ng susunod kong sasabihin. Siguro, nakaka-relate sila sa sinabi ko. Kilala ang University of Villanzel hindi lang dahil sa isa ito sa mga paaralan na may pinakamahal na tuition, kun'di pati na rin sa napakataas ng requirement nito sa grades. Tahanan ng nga matatalino at mapera ang UV; for sure, karamihan sa mga kaklase ko ay may pasan-pasan na gabundok na ekspektasyon at pressure mula sa kani-kanilang pamilya. — nasa iisang bangka lang sila kasama si Mr Jio. "Businesspeople who are able to rise from rags to riches — they sure do impart a lesson, I won't dare take it away from them. However, to claim that they are the only ones who are 'of quality', I guess it might sound insensitive — those stories of businesspeople who have successfully battled expectations and pressure, they also impart a lesson worthy to be remembered. This is where my report ends; I humbly express my gratitude for lending me all ears." Tinapos ko ang ulat ko sa isang bow; tinugon naman ito ng mga tagapakinig ng masigarbong palakpakan. Ngunit nang dumako ang mga mata ko sa kinaroroonan ni Professor Clint, maasim ang timpla ng kanyang mukha. Mukhang naka-recover na siya. Napahinga nalang ako nang malalim sa kaloob-looban ko; 'di pa natatapos ang report ko, dahil tatanungin ko pa ang audience kung may tanong ba sila. Tiyak na 'di palalagpasin ng Professor ang pagkakataon na ito. "I am now open to any questions. Anyone?" Padabog na tumayo ang Professor mula sa pagkakaupo; matalim na tumingin sa mga kaklase ko, tapos sa akin, at tumawa nang napakaplastik. Nagmumukha tuloy siyang baliw, dahil sige lang siya sa pagtawa at nagkunwari lang pinahid ang mga mata na para bang naiiyak siya sa katatawanan. Alin kaya ang sa ulat ko ang nakakatawa? For sure ako at 'yong presentation ko ang dahilan ng kabaliwan niya ngayon. Hinayaan ko nalang siya; confident naman ako sa report ko, kaya sure akong wala siyang mahahanap na loophole. Kung meron man, I would love to see him try. "Professor Clint, are you sane enough to ask a question? If not, I would love to take my sit now," nakangiti kong tanong nang matapos na siya sa kaabnoan niya. "Of course, of course. Hoooo! I was just laughing; you made a good joke Ms. Archival! Overcoming... expectations and pressure… that was your point — that was the lesson you were trying to impart? " pangngutyang tanong ni Professor Clint. Mali pala ako; akala ko kukwestiyonin ni Professor Clint ang objective part ng presentation ko, pero mukhang wala siyang maipintas, kaya ang objective part ang tinira niya. Gustong-gusto ko 'yong desperasyon ni Professor Clint na bawian ako sa kaninang magkasunod na humiliation na natanggap niya mula sa akin — to the point na nagiging twisted na ang definition niya sa subjective. Napa-tense ng atmosphere sa silid-aralan; nakakabingi ang katahimikan at kulang nalang marinig ko ang maingat na paghinga ng mga kaklase ko. "I already did repeat it the second time, Professor. Perhaps, you are not feeling well and you needed rest that's why you weren't able to hear it correctly," low-key na pagbalik ko sa kanya ng pangungutya. "Not needed, Ms. Archival. Now, here is my question... do you think people, Mr. Jio Delravin for an example, who were born into a wealthy family do undergo expectations and pressure that you were saying?" si Professor Clint. "It appears that you were born just yesterday that you are ignorant of what money is capable of. Ms. Archival, this... I would tell you: expectations and pressure are the last things the rich people worry." Napailing-iling nalang ako sa tanong. Mukhang wala nga 'ata sa matinong pag-iisip itong propesor namin — nawala na sa wisyo. Sa mga salitang binitawan niya, para siyang naghuhukay ng sarili niyang hukay. For the love of thousand stars, alam niyang karamihan sa mga studyante niya mayayaman; hindi rin ba niya nakita ang naging reaksyon ng mga kaklase ko n'ong nag-report ako? Tiyak kong ma-po-provoke ang buong klase sa ginawa niya. Hindi lang tatayo 'tong mga kaklase ko at hahayaang i-degrade sila ng Professor. "Should you tell me that, then might as well cite the reference. In which study did you read that? Where's the reference?" duda ko sa rebutt niya. "Professor Clint, to tell you the truth, wealth... doesn't equate to living a life full of honey and milk." Mas lumakas na ang kaninang mahinang bulong-bulongan; naririnig ko pa ang iilan na binabahagi ang pagkadisgusto nila kay Professor Clint. Ito na nga ba ang sinasabi ko; magiging masama na ang tingin ng kaklase ko sa kanya. Nakikita kong may issues 'ata ang propesor sa isang mayaman na tao, pero wala akong nakikitang rason kung bakit damay lahat. Isa pa, bakit kailangan na lantarang ipangalandakan 'yon sa loob ng klase? Mas mainam kong sinarili niya nalang ang problema niya. Goodluck nalang talaga sa career mo, Professor Clint. "Says someone who…," naglakbay ang mata niya mula sa aking damit papunta sa aking sapatos. "…looks cheap? From the way you dress, you are not capable to represent the rich people." Kung puwede lang talaga tumawa, malamang sa malamang hindi lang ako tatawa — hahalakhak dapat! May galit siya sa mga mayayaman, pero napakamatapobre at ang elistista niya pakinggan. Hindi naman sa nag-expect ng matinong reply, pero ang gan'on kababang response na pupunain pati pananamit ko, Lord, ako na po humihiling na patawin niyo siya. Hindi ko naman i-de-deny na luma na tingnan ang mga suot ko, pero hindi naman kasi 'yon ang argument to begin with. Napaka-unhealthy na ng debate namin, mabuti pang tapusin ko nalang. "Well, I won't stoop that low." nagkunwari akong may pinapagpag sa aking manggas. "I may not be rich, but I don't have to be one to realize that privileged people are still people. They are no machines with no emotions. Their lives are not filled with only happiness, they can be devastated, they can be sad — they can be overwhelmed with pressures and expectations." May naalala ako bigla; n'ong first week ng klase niya, aktibo akong nakikinig sa bawat life story niya — isa lang ang ending ng narrative: ang mga paghihirap na dinaranas niya para marating kung ano siya ngayon. Mukhang alam ko na ang pinag-ugatan ng galit ni Professor Clint sa mga mayayaman: dahil hindi nila kailangan maghirap para mabuhay. Pero hindi naman ibig sabihin na marangya ang pamumuhay, wala nang problemang kinakaharap. Lahat ng tao, ano man ang estado, may kanya-kayang laban at walang karapatan ang kahit na sino na i-invalidate 'yon. Matapos kong ang pagsasalita ko kanina, nanatiling walang imik ang loob ng silid-aralan; hindi rin humapa kahit ni isang kusing ang nabuong tensyon — para talagang may anghel na dumaan. Palagay ko ay mukhang ako ang nanalo sa debate na 'to? Parang timang lang akong tinitigan ni Professor Clint, e. 'Di ko tuloy tukoy kung mananatili pa ba ako rito sa harapan o uupo na. Nang matantya kong wala nang maiboses pa ang propesor, ang ginawa ko ay naglakad papunta sa aking upuan, pero bago paman ako makarating sa aking silya, bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang taong dahilan para bilisan ko ang aking lakad. "Bakit nandito 'tong lalaki na 'to?" naisambit ko sa aking isipan. "Good day, everyone," bati sa amin ni Walter. "No need for the surprised faces; I am yet to be a celebrity. May I speak with the professor?" dagdag pa niya nang mapansing nanatiling tahimik ang buong silid; ang kapal talaga ng mukha. Base sa suot ni Walter, mukhang estudyante siya ng university; napatanga naman ako. "I-i am here," utal-utal na sambit ni Professor Clint nang matauhan na siya. "Ecie, my bestie! Ang dami ko pa talagang kailangan matutunan sa 'yo," batid ang galak sa boses ni Ren nang bumulong sa akin. "Deserve niya 'di ba? Akala niya ba 'di ko siya papatulan. No, no, 'di tayo papayag niyan," tugon ko sabay bitaw ng isang ngisi. "Of course! Desurv na desurv!" si Ren. "Nga pala, kilala mo 'yang lalaki na 'yan?" tanong ko kay Ren. Popular din naman kasi itong bestfriend ko; baka kilala niya. Kita ang pandidiring ekspresyon sa mata ni Ren bago tumugon aa akin, "You mean, 'yang feeling cat na Walter?" "Walter pala talaga ang pangalan niya?" Akala ko ay alyas niya lang ang binigay niya sa akin kahapon. "Bestie, ha. You are acting as if kilala mo siya. Don't tell me..." Nanunukso ang mga titig niya. "Ano palang cat?" "Kabaligtaran ng chick. Ano ka ba! As in gwapings. Ganern!" Ang dami ko pa talang mga terms na dapat matutunan dito sa lungsod. "Pero ano nga? Ba't mo kilala?" "Standards, Ren. Standards," tanging naisagot ko. Tiningnan ko nang masama si Ren; binabalaan na itigil na niya ang panunukso niya. No way as in no way talaga kung ano man ang iniisip ng babaeng 'to; kapal ng mukha ng niyang i-assume na ang standards ko ay bababa sa lebel ni Walter. Kahit siya na ang matirang lalaki sa mundo; lumindol man o bumagyo; gumuho man ang mundo; mananatiling 'no' ang answer ko. Pero bakit nga ba nandito ang lalaking 'to? Base sa pakikipag-usap niya sa Professor Clint, mukhang may posisyon na hinahawakan 'tong lalaking 'to. SSG ba siya? "Si-silence, class. Mr. E-Eltrata has something to announce," pag-pacify ni propesor Clint; nautal pa siya. "Thank you for the time, Professor Clint. I would like everyone to know that the Theater Club's week has started. As you all know, All Soul's Day and All Saint's Day will arrive in a week, right?" kanyang panimula. "Yes," tugon naman namin. Malapit na pala ang araw ng mga patay; 'di ko namalayan. Miyembro ng Theater's Club si Walter. Inanunsyo niyang sa mga susunod na araw, may pa-event ang club nila which is drama. Tatagal ito ng limang araw; libre ang unang araw ng palabas for promotion, ngunit sa mga susunod na araw, kailangan na ng tickets para makanood. Hindi na ako nakinig pa sa ibang detalye at wala naman akong interes sa drama; bukod sa aksaya sa salapi, mukhang ipapangalandakan lang ni Walter ang kagwapuhan niya roon. Wala akong mapapala. "SURE TALAGA KA talag bestie na walang something sa inyo ni Walter?" Kanina pa nangungulit ang isang 'to kung paano kami nagkakilala ni Walter. "Ren, ilang beses ko ba sabihin sa 'yo. Standards. Standards." Kasalukuyan kaming nag-la-lunch ng babaeng 'to, pero 'di pa rin niya ako tinitigilan. "I-chika mo na kasi. Go! Para 'di na ako mangulit." Wala naman akong choice kung 'di ibahagi sa kanya ang istorya, mamimilit na mamimilit ang babaeng 'to kapag 'di nasunod, "Kahapon, sa shift ko, tumunganga ako." "Bestie, anoba. Kapag chumichika, focus sa pag-chika. Mamaya na ka na kumain!" Napangiwi naman ako; sinabihan niya lang naman ako huwag muna kumain at magchismis muna kami. "Ren kumain muna tayo, makakapaghintay ang chismis." "Bestie, mag-chismis muna tayo, makakapaghintay ang pagkain," balik niya sa akin. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa babaeng 'to. "Itong si Walter um-order pala ng 'di ko namamalayan..." Wala akong choice; sinabi ko sa kanya lahat ng naganap. Wala akong tinira at baka kung ano naman ang isipin ng babaeng 'to. "Nako, bestie! Ever since feeling cat na ang lalaking 'yan. Ewan ko ba at maraming girls ang bet na bet 'yan," wika ni Ren bago sumubo ng fried chicken "Well, may itsura naman siya; 'di natin ipagkakait sa kanya, pero 'di ko talaga siya type. Pero 'di ko alam gagawin ko sa kayabangan niya," pag-amin ko pa. "Nako! Kung ako sa 'yo tinapunan ko ng milk tea ang Walter 'yon." "Bro, lipat ka na kasi ng camcambunny.xxx.com; 'yong mga cam girls nila, ang laki ng s**o tapos ang se-sexy. Lalabasan ka nang marami," napantig ang tenga ko sa narinig. Nang tinignan ko si Ren, base sa pagkadisgusto ng kanyang mukha, narinig niya rin ang narinig ko. "Nah, told you already na loyal ako kay SweetCandy." "Aalis din 'yan si SweetCandy sa yourcamgirls.xxx.com; ang pangit ng management ayon sa mga umalis na cam girls." May grupo ng nerds na dumaan sa table namin; napakabastos ng mga mindset. Sa uniporme nila, mukhang taga UV pa. Hindi ko alam kung ano ang cam girl, pero hindi naman siguro 'yon rason para lantarang i-sexualize ang babaeng tinutukoy nilang Sweet Candy at ang iba pa. Napalakas din ng mga boses nila; hindi ba na nare-realize na kapag maririnig sila ng mga babae, napaka-uncomfortable n'on? Hindi ko akalaing nag-e-exist pa ang ganitong mga lalaki. "Rapists."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD