Stacey's
"STACE, NASAKSIHAN KO ang paglaki mo ng dalawang mga mata ko. Naniniwala akong malayo ang mararating mo; malawak ang kinabukasan na naghihintay sa 'yo, dahil sa determinansyon at pagpupursige mo," ani ni Ina habang nakangiti.
Gamit ang dalawang kamay ni Ina, masuyo niyang hinaplos ang aking pisnge at ginawaran ako ng masuyong halik sa noo. Sa sandaling pasimpleng lumapat ang labi ng Ina sa aking balat, ramdam ko ang pagmamahal at pagkalinga na hinding-hindi matutumbasan ng kahit na anumang bagay sa mundo. Ngunit kahit ganito kalambing ang aking ina sa kanyang mga ikinikilos, alam ko na ang lahat ng ito ay pawang pabalat lamang. Taliwas ang nararamamdaman niya ngayon sa ipinapakita niya — kabaligtaran ang isinisigaw ng kanyang puso.
"Humayo ka na, Stacey, iwasiwas mo ang mga pakpak mo at lumipad. Abutin mo ang pangarap mo sa buhay," dagdag pa niya.
Bagama't sinasabi ito ng ina, 'di nakaligtas sa akin ang pasimpleng pagkusot ng Ina sa kanyang mata. Nang nagkatitigan kami, nababasa ko ang kanyang mata na nagsusumigaw na 'wag na akong umalis at manatili nalang sa isla kasama ang pamilya. Tinuturing pa rin talaga ako ng ina bilang isang sanggol kahit na sa edad kong ito, pero alam ko rin na ayaw niyang maging balakid tungo sa mga gusto kong gawin sa buhay. Gusto niya akong maging malaya lalo na at nasa tamang edad na ako. Hindi rin ako puwedeng ikulong sa isla na ito, dahil may mas malaking oportunidad pa na naghihintay sa akin sa labas.
"Apat na taon lang ito, ma. Babalik ako; panigurado iyon, kaya tiis-tiis ka muna," pagbibigay ko sa kanya ng kasiguraduhan sabay kurot sa kanyang pisnge.
"Twenty one ka na at gusto mo pa talagang pumunta ng siyudad para mag-aral. Napakadelusyunal mo talaga," sabat ng aking kuya.
'Di naman ako tanga para 'di maramdaman ang bahid ng pangungutya sa boses ng aking kapatid. Ang problematic na isang 'to ay talagang laging sumasalungat sa mga desisyon ko sa buhay. N'ong inanunsyo ko sa aking pamilya na mag-iipon ako para matupad ang pangarap kong makapag-aral ng kolehiyo, siya ang unang pumuna na masyadong malaki ang pangarap ko sa buhay. Sa pakialam niya ba? As if nanghingi ako ng opinyon niya n'on, e. Gan'on din ang ginagawa niya ngayon; siya na naman ulit ang sumasalungat sa mga gusto kong gawin. Palibhasa kasi walang pangarap sa buhay kaya nandadamay.
Kung makaboses rin 'tong kuya ko ay para bang natatapakan ko ang karapang pantao niya. Sa aming dalawa, siya naman itong ang daming napakakwestiyonableng desisyon sa buhay — to the point na nakakaperwiso na sa mga magulang ko. Wala nga siyang narinig sa akin n'ong mga panahong nabuntis niya ang girlfriend niya sa murang edad. Dahil mga menor de edad pa silang dalawa n'on, wala silang pantustos sa anak nila. Ang Ina pa talaga ang pinroblema niya sa pagpapalaki sa bata; pati sa pagbuhay sa girlfriend niyang itinakwil ng mga magulang nito.
"Kung wala kang pangarap sa buhay, e 'di sige, ayos lang... ayos lang ang maging pabigat sa mga magulang kahit twenty-five years old ka na. Ipagpatuloy mo 'yan at 'di naman siguro 'yan nakakahiya," pang-iinsulto kong sagot pabalik; binigyan ko rin siya ng nakakalokong ngisi.
Halata ang unti-unting pagkunot ng noo ng aking kapatid, dahilan upang magtagpo ang kanyang dalawang kilay; palatandaan ito ng kanyang pagkaasar sa akin. Sa kabilang banda, ngiting tagumpay ang nakaguhit sa aking labi. Kung pagalingan lang naman sa pang-iinsulto ang magiging kompetisyon, 'di na dapat pa pag-usapan kung sino ang mag-uuwi ng korona. Dahil kahit 'di pa nagsisimula ang laban, ang championship ay napunta na sa akin; runner-ups nalang ang ipapamigay sa awarding ceremony. For the love of thousand stars, dapat alam niyang hindi siya ang katapat ko.
"Itigil niyo 'yan dalawa. Ano ba! Gerald, magpaalam ka nalang nang maayos kaysa sa hamakin mo 'yang kapatid mo. Hindi magandang pamahiin 'yang pamamaalam na may halong galit," nakabusangot na saway ng aming Ina.
Kantsaw tuloy ang inabot ni kuya kay ina. 'Yan ang nakukuha ng mga talunan: karma. Minsan 'di ko talaga maiwasan at pinagdududahan ko talaga ang identity ng isang to; kung kapatid ko ba talaga siyang tunay o ampon lang. Hindi man lang namana ni kuya kahit isang patak lang ng kabaitan at pagiging rational ng Ina. Ang itay ko naman ay masipag talaga, taliwas sa kapatid kong tamad kaya hanggang ngayon ay palamunin pa rin kahit matanda na. Kung hindi lang talaga sa kadahilanang kamukha siya ni Itay, matagal ko nang ni-conclude na baka anak ni mama sa isang masamang tao ang kapatid kong ito.
"Stace, baby, humayo ka na at baka mapag-iwanan ka pa ng barko."
Binigyan ko ng isang tango si Ina sabay yakap sa kanya nang sobrang higpit. Yakap na pupuwede niyang aalalahaninn kapag ma-mi-miss niya ako. Apat na taon din ang itatagal ng kurso ko, which means gan'on din kahaba ang taon ng magiging pagkawalay ko sa tabi ng ina. Ako na ang tumapos sa aming yakapan; mahirap na at baka 'di ko na maisipan pa na bumitiw. Tingin ng pamamaalam ang aking ginawad kay Ina bago ako maglakas loob na binuhat ang aking mga maleta at naglakad patungo sa pantalan; pinipigilan ko ang sarili na lumingon pabalik.
'Di mahulugang karayom ang bilang ng tao sa pantalan, siguro ito ay sa kadahilanang ngayon lang ulit dadagsa ang barko sa isla namin. Ang kantyawan ng mga magkakapamilya, ang patuloy na ng alon, at ang makinarya ng barko — ang ingay ng paligid, ngunit ito rin ang bumubuhay sa lugar. Ngunit kung ano ang mas nangibabaw ay 'yon ang iyakan na hindi mo lang maririnig, ngunit makikita mo sa bawat sulok. Sa kabila ng nakakabinging ingay na ito ay rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ng aking ina kasama ng kanyang mga bilin at pangaral.
"Paalam, anak kong Stacey. Mahal na mahal ka ng nanay."
"'Wag papalipas ng gutom; madalas ka pa namang makalimot kumain ng agahan lalo pa at matagal ka gumising."
"Laging kumain ng masustansiya, 'wag laging kain nang kain ng yogurt at hindi ka mapera."
"'Wag matulog nang madaling araw, kaya lagi kang huli gumising, e. Sundin ang bilin ng nanay."
Ramdam ko ang masaganang pagdaloy ng luha sa aking pisnge habang naririnig ko ang bawat pagsigaw ng Ina. 'Di rin nakaligtas sa aking pandinig ang pag-crack ng boses niya nang sinambit niya ang panghuling kataga. Hinuha ko ay wala ang kanyang pabalat at umiiyak na siya ngayon, sigurado ako. Pero ayokong lumingon pabalik; hindi ko kayang tingnan ang luha ng ina. Mas lalong magiging mahihirapa akong umalis at baka pumasok pa sa isip ko na 'wag na lang magtungo ng lungsod. Ayaw ko rin na makita niyang umaagos ang luha ko ngayon.
"Paalam, ma. I love you too. I will miss you…"
'YONG PINAPANGARAP MONG balang araw mag-so-sort ka ng finances ng mga bigating kompanya, ngunit sarili mong gastusin pa lang, 'di mo ma-calculate nang maayos. Akala ko pa naman kalkulado ko na ang mga magagastos ko sa pananatili ko rito sa siyudad, false alarm lang pala; nag-feeling financial analyst lang pala ako. Hindi naman ako nahihiya para sa sarili ko... hindi talaga; literal na ang tanga-tanga ko lang sa part na 'yon. Kung nandito lang ang kuya ko, malamang sa malamang siya na ang unang tumatawa sa sinapit ko.
Sino ba naman kasing mag-aakala na hindi lang double, kung 'di triple ang gastusin ng daily neccesities dito sa lungsod — ang laki ng diperensya sa isla namin. Hinabilinan naman ako ni Ina patungkol dito, pero hindi ko ni-expect na aabot ng daan-daan ang magagastos ko everyday kahit pinakamurang bilihin na ang pinipili ko — bigo akong ma-calculate nang tama ang gastusin ko. Totoo nga ang sinabi nilang masyadong mahal ang mabuhay sa siyudad; di afford ng mahihirap na tulad ko. 'Yong cost of living dito, parang ginto.
"I'll have a Cake Cream Tea nga."
Ang pinoproblema ko talaga ngayon ay ang unti-unting pagkaubos ng savings ko. Nagiging hobby ko na 'ata ang paggasta rito bilang salvation sa tuwing kukulangin ang aking sweldo; wala, e... walang mapagkukunan ng pandagdag sa minimum wage kong sahod. Kailangan talagang may gawin ako sa krisis na dinaranas ko ngayon; maghanap ng ekstrang trabaho or kahit na ano, as long as madadagdagan lang ang kinikita ko. Dahil kung hindi ko 'to magagawan ng paraan, mabuti pa na umuwi nalang ako sa isla namin bago pa ako maging homeless at magpalaboy-laboy sa kalsada.
"Miss, sabi ko I'll order a Cake Cream Tea."
Pinagdadasal ko nalang na sana worth it ang investment ko sa Traders; halos kalahati pa naman ng kabuuan ng savings ko ay ni-invest ko na sa stocks nila. Ang lungsod kasi ng Cebu ay nasa industrialization era pa nito, maraming mga imprastraktura ang kasalukuyang ginagawa at gagawin pa, kaya naman ang mga hardware companies ang mga booming businesses sa lugar. Swak na swak ang pag-invest sa mga naglalakihang hardware companies, kagaya ng Traders at Delravin's. Kaya lang, long-term ang investment kong ito; wala pa itong kwenta sa income as of now, pero ang problema ko kailangan ng right now na solution.
Sa research ko, isa ang Traders sa mga rising hardware companies; kung magpapatuloy ang pag-rise nila, tingin ko ay kayang-kaya nilang makikipagkompetensya sa Delravin's, ang pinakamalaking hardware company 'di lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Pinagdadasal ko nalang na itong mga usap-usapan tungkol sa pagiging fishy ng Traders ay hindi totoo; marami-rami rin kasing mga tao ang nagdududa sa biglaang pag-angat ng business na ito. Pero marami namang naka-invest sa stocks nila, kaya hindi dapat ako mabahala.
"Hey, Miss!"
Ang kalabog sa countertop ang nagpabalikwas sa akin mula sa aking pagmuni-muni. Sumalubong sa aking paningin ang kumakaway na maugat na kamay; nang i-trace ko kung sino ang nagmamay-ari nito ay ng aking mata ang nakakaakit na brown na mata ng isang lalaki. Ang ganda ng pakahulma ng mapupungay niyang mata ngunit kakitaan ito ng galit dahil sa mga masamang tingin na pinupukol niya sa akin.
"Please halt the stare; ilang minuto na rin since you feasted on my handsomeness," asik niya.
"Sorry for the inconvenience, Sir. I have been so immersed with my thoughts and I wasn't able to take notice of your presence. My apologies for my negligence; may I have your order?" sinserong paghingi ko ng tawad dito.
"And those thoughts… are all about me, I assume?" pagbabago ng kanyang tono; kitang-kita ko ang pagbuo ng ngisi sa kanyang mga labi. Napatanga naman ako sa kanyang sinabi. Ano raw… siya ang nasa isip ko?
"No, Sir, it's something personal I wouldn't be able to disclose," tanging naisagot ko.
"Make sure that you are not plotting on how to hit on me; if so, we can settle that right here, right now." Sinabayan niya pa talaga ng pagkindat.
Lakas ng tama; masyadong confident 'tong lalaki na ito sa kagwapuhan niya para magkaroon ako ng gan'ong thoughts — hindi ko siya tipo, sa totoo lang. Kung biro lang ba 'to o baka ni-assume na ng isang 'to na may gusto ako sa kanya, dahil lang nakasentro ang paningin ko sa kanya noong nag-day dreaming ako, wala akong alam para matukoy kung alin sa dalawa. Pero kung pagbabatayan ko ang ibang level ng pagiging flirty niya, mukhang it's the latter. Sana naman mali ako at nag-jo-joke lang ang lalaking 'to.
"Can I have your order now, Sir?" Pinuwersa kong ngumiti.
"A Cake Cream Tea, I said," pagsabi niya na kanyang order.
"Is it regular or grande, Sir?"
"I'll have a grande."
Napahinga naman ako ng malalim; sa wakas, matino na rin sumagot ang lalaking 'to. Mukhang maling hinala ako at joke-joke lang 'yong kanina. Pagpasensiyahan nalang niya ang Stacey at hindi ko nagawang makipagsabayan sa biro; masyado akong maraming iniisip sa ngayon. Pero may kasalanan din siya, dapat marunong siya bumasa ng mood. Makikita naman siguro sa mukha ko na problemadong-problemado ako. Sa susunod nalang kami magbiruan kapag okay na ang mood ko.
"Anything else you like to add, Sir?"
"Wait, I'll think I want a…" huminto pa siya saglit at bahagyang tumingin sa left part ng uniform ko kung saan makikita ang aking nametag. Wait, 'wag niya sabihing... "I'll have a Stacey as well, please."
Akala ko pa naman all goods na kami na joke-joke lang; confirmed na it's the latter nga. Pero seryoso ba 'yong banat niya? Wala bang mas bago at original; bagong flavor ganon kasi mas matanda pa 'ata sa lola ko 'yong gan'ong style. Ang korni naman ng lalaking 'to, sa totoo lang. Bakit ba nangyayari ang ganito ka-cringe na bagay sa harapan ko; i-take into account ko na rin na sa work place ko pa talaga. For the love of thousand stars, Lord ilayo niyo po ako sa karagdagang ka-cringe-han na ito, pretty please.
"A Cake Cream Tea, Grande in size, for Sir? May I have the name, please?" pagkompirma ko sa kanyang order.
Kung wala lang talagang code of ethics ang mga trabahador, baka binara ko na ang lalaking 'to; ang sarap supalpalin ng mga banatan. Buti nalang at professional ako; hingang malalim... breathe in... breathe out. Stacey, stay professional at maging unbothered, karugtong ng buhay ko ang trabaho kung ito. Hindi worth it na isakripisyo para lang ipahiya ang lalaking 'to. 'Tsaka 'di ito first time na nakasalamuha ka ng ganitong customer, Stace. Kung umasta ako, parang just now lang; ang lala talaga ng allergy ko sa mga cringe na bagay.
"You can simply ask for my name, right? Pretty girls like you don't need to inquire indirectly," ngiting-ngiti siya habang nagsasalita.
Tahimik ako nagpakawala ng buntong-hinga. Ano pa bang aasahan ko sa cringe na lalaking to. Wala ng pag-asa ang araw kong ito; sira na nga, mas sinisira pa ng pagiging cringe ng niya. First time siguro ng isang 'to sa shop at hindi niya alam na nilalagay sa order ang name niya; kaya naman, no choice, but i-explain sa lalaking ito ang nga bagay-bagay at kung paano ang pamamalakad ng shop na ito. Kung puwede lang sana mag-face palm sa harap ng customers ginawa ko na talaga.
"Sir, I need your name so that I will be able to call you if your order is ready. It takes time to prepare your order, Sir. I would not want you to wait in this countertop in that span of time."
"Is that so? It's Walter, babe." Nagtaas-baba pa siya ng kanyang kilay na nagpatindig ng aking balahibo.
HINDI SAPAT ANG salitang pagod para ilarawan kung gaano ako ka-drained hindi lang ngayon kung 'di araw-araw talaga. Nag-ta-trabaho ng eight hours a day, tapos sabayan pa ng six to eight hours na klase; halos wala na akong natitirang oras para sa sarili ko. Naging ganito ang aking lifestyle simula nang manirahan sa siyudad; ang dami kong adjustments na ginawa nang mapadpad sa lugar na ito. Sa araw ng linggo lang kung tutuusin nagiging mahimbing ang tulog ko at nakakapagpahinga ako nang maayos.
Kakalabas ko lang galing sa trabaho. Pagod at gusto na magpahinga ng katawan ko, pero hindi pa pupuwede dahil kailangan ko pa gawin ang mga assignments ko. Ni-open ko ang email na ni-send ni Ren at nang matapos na ako; surprisingly, isang assignment lang ang nandito. Economics? Hindi ko matandaan na nagbigay ng instructions tungkol dito si Professor Clint namin, pero bigla ko naalala na natulog pala ako matulog sa subject niya, dahil nag-another episode na naman siya sa buhay niya. Sarap pa nga ng tulog ko kanina, e.
Akala ko talaga wala ng educator sa college na uubusin ang oras niya para lang ikuwento life story niya kasi talamak 'yon sa JHS at SHS, pero mali ang akala ko, dahil na-pollute na rin ng gan'ong uri ng educator ang college — nag-e-exist pa rin sila. Ang sarap magwelga sa loob ng klase nila. Nagmumukha kasing nagbabayad kami ng tuition para matutunan ang buhay nila. Sana naman ay i-report na ng mga kaklase ko si Professor Clint nang mabura na siya sa University of Villanzel. Napakaaksaya niya sa pera, sa totoo lang.
"You just need to do research about a business that is to your liking. Then get to know the owner and have his or her or their story be known to the class. An inspiring lesson should be imparted after the story," naririnig ko ang boses ni Ren habang binabasa ko ang instruction na ni-attach niya sa email.
Si Ren ang nag-sa-summarize ng mga gawain sa mga klase namin at ni-se-sendan niya ako ng copy sa email. Madalas kasi ako matulog sa klase lalo na kapag walang kabuluhan ang mga diskusyon; hirap mag-concentrate 'di ko mapigilan mamahinga lalo na't puyat at pagod ako sa trabaho. Ni-grab ko talaga ang bawat opportunity na puwede ako makabawi ng tulog. Naiintindihan ito ni Ren kaya nag-offer siya ng tulong na siya na ang bahala mag-remind sa akin sa mga gawain na puwede kong ma-miss. Ang swerte ko talaga sa bestie ko.
"Wait, what? Known to the class… so this is an oral recitation?" nagtataka kong tanong habang pinoproseso ang instruction.
"Ps: He said you can just read your own paper for reference if you are unable to memorize it." Kilalang-kilala talaga ako ni Ren at nagsulat pa talaga ng post script. Alam na alam kung ano ang itatanong ko, e.
Sino ba naman kasing nawala na sa sarili niyang pag-iisip para maisipang sauluhin ang biography ng iba? Ang buhay ng iba is none of anyone's business. Speaking of it, ano ba ang connect nitong assignment namin sa subject na Economics 1. Tapos gusto niya pa na memorized? Sinabi man niyang puwede basahin ang assignment, pero knowing Professor Clint, sigurado ako gusto na niyang memorized talaga; alam ko na 'yang mga galawan niya, kaya hinding-hindi niya ako maloloko. Dapat na talagang mapatalsik itong si Professor Clint.
"KUNG GAN'ON ANG Delravin's ay isang sole proprietorship na uri ng business since pagmamay-ari ari ito ng isang tao? Wow!" pakikipag-usap ko sa aking sarili. Paraan ko ito para pigilan ang sarili ko na makatulog; antok na antok na talaga ako.
Ang nakatatak pa naman sa utak ko ay isang partnership or corporation ang Delravin's given na napakasucessful nito; akala ko maraming mga utak ang nasa likod ng company. Nabuo ang kompanya noong 1988 pa at hanggang ngayon ay operating pa rin. 'Di lang 'yon, dahil nananatiling nangunguna ang Delravin's sa loob ng higit na tatlumpo't tatlong tao; napakatagal na nila sa industriya. Ayon sa aking pagsasaliksik, may iba't ibang branches sila sa buong Pilipinas at Asya — tunay na nakakamangha. Gaano kaya karami ang yaman ang kompanyang ito?
Nag-dig deeper pa ako at nalaman ko na, sa kasalukuyan, si Jio Eross Delravin ang nagmamay-ari ng Delravin's ngayon. Nawala lahat ng antok ko nang malaman kong 25 years old palang siya; 'di rin maitatangging may hitsura kung pagbabatayan ang mga larawan niya. Nalito pa ako, dahil sa magkaibang data ng websites. May naglatag na limang taon nang pinamamahalaan ni Jio ang kompanya, may iba namang nagsabi na siyam. Wala akong choice kun'di alamin ang dahilan nito; na siyang mas nakadagdag sa aking gulat — na-mindblown talaga ako.
"Ilang napaka-wise na desisyon na kaya ang ginawa niya? Ilang kalabang kompanya na kaya ang ni-outsmart niya? Hmmm... mukhang he wasn't being fed with a silver spoon," ang tanging naisambit ko.