"Bye, Daddy! Balik ka, huh!" Hinatid namin sa labas si Ardent. Kararating lang niya pero aalis ulit siya dahil may a-attend-an siyang meeting sa kabilang city. "Yes. Pero late ng makakauwi si Daddy kaya matulog na lang kayo, okay?" malambing na bilin nito sa aming mga anak. "Opo!" Hinalikan niya ang mga ito isa-isa. Ako ang hinuli niya. "Mamaya na lang," sabi niya sa akin. Niyakap ko naman siya sabay pisil ng kaniyang matambok na puwet. Nagkatinginan kami. Ang mga titigan ay may kasamang kalandian at kaharutan. Kinagat niya ang kaniyang labi. Naiiling bago ako dinampihan ng masarap na halik. Kaso hindi din iyon nagtagal, dahil nagseselos ang kambal. Gusto nila ay sila lang ang halikan ko. Nang makaalis na ang asawa ko, pinakain ko na din muna ang mga anak ko. Ten am pa nama

