"Bakit ka bumalik?" tanong ko kay Roger. Sa wakas, umalis na din ang kapatid ko. Baka hindi ako makapagpigil, masakal ko na talaga siya, dahil ang lakas niyang mang-asar. "Gusto kitang makasabay na kumain. At aalis ulit ako mamaya, para sa isang meeting." Makasabay kumain? Tss, nagpagod lang siya. Ang alam ko, medyo may kalayuan iyong pinuntahan niya kanina, e. Dapat doon na lang siya kumain. Nagpagod lang siya. "Okay..." Akala ko tapos na ang gagawin niya, pero mukhang aabutin pa ng gabi ang meeting niya ngayong araw. "Magpahinga lang ako." Medyo na-stress ako kay Beryl, kaya mahihiga na muna ako. Nag-aalala din ako dahil baka mamaya malaman ni Daddy ang tungkol kay Roger. Nakasunod siya sa akin nang pumasok ako ng room. Nahiga ako sa kama at nagulat ako nang tabihan din niya ako.

