Inabot na ng umaga. I didn't have enough sleep, kaya hindi maayos ang pakiramdam ko paggising. Naiyak pa ako dahil sa pag-o-overthink ko, pero hindi naman malala. May pumatak lang na luha at pagkatapos ko itong punasan, wala na ulit bumuhos. Baliw ka, Ally. Para kang tanga. Dahil lang sa lalake, nagkakaganito ka? Buti sana kung nobyo mo ang lalake, e, hindi naman. "Ally?" Umayos ako ng upo. Katatapos ko lang maligo, pero bumalik ako sa higaan. Nakaupo habang nakasandal sa headboard ng kama, nakatulala at nag-iisip ng mga lalakeng mga guwapo sa paningin ko. Iyong mas guwapo pa kay Roger. Madami diyan, kaya dapat hindi ko iniiyakan si Roger. He has done his part. Binigay niya iyong mga cravings ko, and I'm okay now. Di ba? "Gising ka na pala. Hindi ka pa kumakain." I sighed. Wala

