Nakapag-impake na ako pero hindi pa ako nagpapa-book ng ticket at hindi pa din ako nakakapagbihis. Nag-iisip ako at pinapakiramdaman ko ng maigi ang aking sarili. Gustong-gusto kong umuwi ng Pinas at sumunod kay Roger. Miss na miss ko na siya at alam kong kapag nakita ko na siya, gagaan ang aking pakiramdam. Pero ang tanong, kaya ko ba'ng tanggapin ang mga consequences na maari kong kaharapin pagdating ko doon. Alam kong madami-dami iyon. Worth it ba'ng sumugal? "Kung maghihintay ka dito, ayos lang naman." Napatingin ako sa pintuan. Nakatayo doon ang aking kapatid habang nakahilig ang likod sa hamba ng pintuan. "Baka mapagod ka din sa byahe." "Puwede naman daw akong magbyahe sabi ng OB GYN ko." She smirk. "Okay." Lumapit siya sa akin. Tiningnan ang bukas kong maleta. She chec

