"Mommy, mamayang ten pa po ang school ko. Dapat nine mo po ako ginising, e," reklamo ni Precia habang inaayos ko ang kaniyang buhok. "Seven thirty na, Anak. Saka kung mamaya pa kita gigisingin, magmamadali na naman tayo." Hinalikan ko si Davon na kanina pa ako hinahaplos-haplos. Si Darrion naman ay karga na ng kaniyang yaya. "Tara na sa baba. Mag-breakfast na muna tayo." Wala sa mood si Precia. Pero alam ko naman na maya-maya lang ay mag-iiba ang kaniyang mood, dahil magkikita sila ni Germaine. I'm sure matutuwa siya. Baka mamaya tatamarin pang mag-aral. "Good morning, Ma'am. Nasa garden po sila. Doon daw po kayo mag-breakfast," bati sa akin ng maid na nakaabang sa baba . "Good morning..." "I'm not hungry. Gusto ko pang matulog..." patuloy na reklamo ni Precia. Paglabas namin ng

