"Good morning, girl!" sabay na tili nina Germaine at Mirielle. Napapikit si Precia. Inaantok pa siya at gusto pa niyang matulog, dahil napuyat siya kagabi. "It's already eleven! Wake up na!" Hinihila ng dalawa ang kamay niya. She didn't know that her friends would come here. Teka! Kung nandito si Mirielle, ibig sabihin ay nandito din ang buong pamilya niya? Kasama nito ang kaniyang mga kapatid? "Sabi ni Tita Beryl, tulungan ka daw namin na mag-open ng gifts mo. We know hindi mo iyon kaya mag-isa." Napangiti si Precia. Right! May gagawin nga pala siya ngayong araw. Kailangan na niyang maligo. "Dinala na ng yaya mo ang brunch mo, girl!" Tinuro ng dalawa iyong pintuan sa may balcony. "Okay. Magbihis lang ako. Samahan niyo na akong kumain." Paglabas niya, napansin niya iyong ca

