Tamad na sumunod ang lalake sa loob. Agad naman itong sinalubong ni Janina. "Where have you been? Hindi tuloy kayo nakapagbigay ng message kay Precia." Nagkibit balikat si Kian. Hinanap ng kaniyang mga mata ang kambal na kapatid. Hayun sila at nakikipagkumustahan sa mga relatives ni Precia. Napaismid siya dahil sa ginagawa ng kaniyang mga kapatid. "Kuya, I'm looking for you kanina pa." Lumapit si Mirielle at umabrisyete sa kapatid. "Come on, lapitan mo si Precia. Kuya John and Samuel already gave their gifts for Precia." Hindi naman gumalaw si Kian. Nakipagmatigasan siya upang hindi siya matangay ng kaniyang kapatid. "Kuya, let's go na." Napailing-iling naman sina Justin at Janina. Hindi nila mawari kung snob, mahiyain o talagang nonchalant lang ang anak. Pinilit pa nga nila

