Ang mga unang araw ng aking pregnancy ay medyo maayos pa naman. Maayos ang tulog ko at nagigising ako ng maaga. Hindi nahihilo kahit sa mga iba't ibang mga amoy. Thankful ako dahil hindi ako pinapahirapan ng aking pagbubuntis, dahil tiyak na maaapektuhan ang studies ko kung nagkataon. Bawal na talaga akong mag-drive. Ayaw na ni Ardent. Iyong sports car na regalo nina Daddy at Lolo ay sa garahe na lang muna. Pero ayos lang naman sa akin dahil hatid sundo ako ng asawa ko. He's very consistent. But here we are on the exciting part. After one month, nagsimula na akong makaramdam ng morning sickness. Walang ganang kumain at nilalamig din. Kahit warm water pa ang ipanligo nilalamig talaga ako, tinatamad. Today's weekend and I woke up by Precia's very gentle voice. Kinakausap niya ang kaniy

