Buhay na buhay ang mansion dahil sa pagdating ng aking mga in-laws. At kasama nila sina Yunnie, Arjon at baby Eurah. "My baby cousin!" Nangunguna sa pagsalubong sa kanila ang aking panganay na sabik na sabik sa baby. Nang isang araw ay hinihingan niya kami ng kaniyang daddy ng isang baby sister. Dalawa daw ang lalake, kaya dapat mayroon pang isang babae para mayroon siyang bestie. Sabi ko nandiyan naman sina Germaine at Eurah, pero gusto niya iyong galing daw mismo sa akin. Araw-araw tuwing gigising tatanungin niya ako kung buntis na daw ba ako. Sinasabi naman ni Ardent na hindi na ako puwedeng magbuntis. Next week ang schedule nila ni Roger para magpa-vasectomy. Desidido na ang dalawa. "Eurah... You're so chubby!" Kiniskis niya ang kaniyang mukha sa tiyan ng kaniyang pinsan. "You'

