Hindi nakuntento sina Tita sa mga pictures na kuha ng mga maid sa amin. Nagtawag pa siya ng professional photographer. Pinakuhanan niya kami ni Roger ng madaming pictures. May mga family pictures din. May ilang video clips din. Hindi siya pumayag na wala. "Dapat may enggrandeng kasal na kasunod 'to," pang-ilang ulit na niyang sinasabi. Natatawa na lang ako. "Hindi ako papayag na wala!" Nagkatinginan kami ni Roger. Naiiyak na naman siya. Pinunasan ko ang luha niya saka siya ninakawan ng halik. Ngumiti siya at napatitig sa akin ng mas malamlam. "Di ba, balae?" "Yes. Hindi ako papayag na hindi sila ikasal sa simbahan o mas maayos na reception!" sabi naman ni Daddy. "What if mag-book tayo ngayong gabi?" sabi ni Tita. Urgh! Pagod na kaya ako. "Mag-imbita tayo ng mga close frie

