"Dapat kayo ng asawa mo ang magkasama ngayon," reklamo ni Beryl habang naglalakad kami dito sa isang kilalang mall sa BGC. Nang magising ako around ten am, bigla akong nakaramdam ng boredom. Wala kasi akong kasama sa condo kundi iyong dalawang maid ng aking byenan. Sina Germaine at kaniyang lolo at lola ay nasa school at baka hindi pa uuwi agad. Hindi naman busy si Beryl kaya naisipan ko siyang ayain. Sa susunod na araw ay babalik na sila sa US, dahil wala naman pala dito sa Pinas ang hinahanap nila. Si Daddy naman ay nasa work ngayon. hindi ko alam kung sasabay ba siya kina Beryl pabalik ng US. "Busy siya, e. Saka na-advance na namin iyong honeymoon." Ngumisi ako. She just raised her brows. "Nag-travel pa din sana kayo, kahit sa Palawan lang o Boracay. Celebration ng inyong kasal.

