"Tita Beryl! Where's Precia po?" "Naiwan sa US, Germaine..." Ngumuso ang bata. Nang makita niya si Beryl inakala niya na nakabalik na din ng Pinas ang kaniyang kaibigan. Kulang isang taon pa sila doon. At isa pa, plano ni Daddy na ipa-manage muna kay Ardent iyong company doon. Mag-t-train din doon si Beryl. "Kailan po siya babalik? Na-miss ko na po siya. Siguro nakalimutan na niya ako." Naging malungkot ang mukha ng bata. "Baka next year pa kami makakabalik ng Pinas. At huwag ka ng malungkot. Lagi ka niyang naiisip. At puwede mo pa din naman siyang makita at makausap araw-araw, e. I-video call niyo ng Mommy Ally mo." "Talaga po?" Nakangiti akong tumango. Ganito pala mang-uto ng bata? Iyong mga anak ng mga kababata ko ay pinapaiyak ko kasi. Hindi ko naman 'to puwedeng paiyakin dahil

