MAG-AWAY

1721 Words

Nagising si Ally nang magbukas ang pintuan ng kanilang silid. Minulat niya ang kaniyang mahapding mga mata upang makita kung sino ang pumasok. Si Roger. Pawisan ito at galing sa pag-w-work out. Sabay silang nag-gym ni Ardent. Naghubad ito ng tshirt, sabay punas ng tuyong towel sa basang mukha at dibdib. Bumangon si Ally habang tulalang nakatingin sa kaniyang asawa. Napatingin naman ito sa kaniya pero nag-iwas din agad ng tingin. Napangisi si Ally. Mukhang hindi pa din sila bati ng kaniyang asawa. Sige lang, isip-isip niya. "Good morning, Roger..." Umismid ang lalake. Naglakad ito papuntang banyo at naligo. Gusto sana niya itong sundan para i-check kung nag-locked na naman ito ng pintuan kaso inaantok pa din siya. Nahiga siya ulit. Pinikit niya ang mga mata sabay yakap sa unan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD