"You are pretty..." Magaling ding mang-uto itong batang 'to, eh. Nakangiti na ulit si Ally. "Why don't you play with your cousin, baby... Let's go," aya ko sa bata. Agad naman itong bumaba mula sa pagkakakandong kay Ally. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sa labas lang kami," sabi ko sabay lingon sa dalawa pero nakatayo na din pala sila. Walang planong maiwan. Gusto nilang sumama sa amin. Nagkibit balikat na lang ako. Magkakapalagayan din ng loob ang dalawang ito. Roger is not that bad. Tingin ko naman hindi na siya mag-ch-cheat ulit. "Precia!" Kinawayan ko ang anak ko nang makarating kami sa may garden. Patapos na din ang swimming lesson niya ngayon. Umahon ito at patakbong lumapit sa amin. "Wow! A girl!" Grabe naman, Anak. Natawa na lang ako sa kaniyang reaksyon. Akala mo gali

