Sino-sino ang kukunin kong bridesmaid? Wala akong gaanong kaibigan. "Puwede ba nating kunin si—" "No," agad na sagot ni Ardent sa akin, hindi ko pa man natatapos ang aking sinasabi. Alam na agad niya kung sino ang aking tinutukoy. "No, babe." Umiling siya. "Hmm, okay..." Si Yunnie ang maid of honor ko, tapos isa sa mga bridesmaid si Ine. Nasabihan ko na si Reigna nang nakaraan. Si Raffa, hindi ko pa nasabihan dahil wala naman akong number pa niya. At okay lang ba'ng kunin ko siya? "Since ang mga kaibigan mo din naman ang grooms men, iyong partner na lang nila ang magiging bridesmaid ko." "Puwede naman. Sa mga kamag-anak mo, wala ka ba'ng iimbitahin?" Ngumuso ako. "Wala ng pag-asa na magiging okay kami ng mga iyon," sagot ko naman. "Si Ine, hanapan mo na lang ng pair sa mga

