THIRD POV SUMMER BREAK. Nagpasya ang mag-asawang Beryl at Ardent na magbakasyon muna sa Pinas upang makapagbakasyon ang mga bata. Sakto din na may board meeting at ilang soft launched sa kompanya. They cleared their schedule for this. Wala munang tutor ang mga bata for three weeks. Mas okay na din ito para makapagpahinga ang utak ng mga anak nila. At an early age, wala na silang ginawa kundi mag-aral nang mag-aral. Lalong-lalo na si Precia na mag-fourth year college na sa susunod na semester. Nakahanda na sa pag-alis ang mga bata. Precia was busy reading a book while waiting for Beryl to come down. Nag-aayos pa kasi ang ina. "Anak, kaya nga tayo magbabakasyon para makapagpahinga kayo sa school at ma-relax naman ang isip niyo." Napailing si Beryl nang makita ang anak na tutok na tu

