"What's your plan on your birthday pala?" tanong ni Germaine habang nakadapa sa kama ni Precia. Busy naman sa pagbuklat ng fashion magazine si Precia. Kumukuha siya ng mga pose ideas para sa gagawing photo shoot niya. "Party... Iyon ang gusto ng mga grandparents ko." Kailangan niyang pagbigyan ang mga ito. At alam niyang ito din ang gusto ng kaniyang mga magulang. "That's bongga! I'm sure lahat kami ay pupunta ng US to attend your party. I'm excited already. I asked Dad for a party. I don't know if he'll give me a bonggang party. Pero if dalhin niya ako abroad to shop, mas pipiliin ko ang shopping kaysa party." Mauuna ng two months ang birthday ni Germaine kaysa kay Precia. Nakangiti lang si Precia habang nakikinig. May biglang sumagi sa isip niya na kanina pa niya pilit winawaksi pe

