Nagising ako dahil may kumakalabit sa akin. Akala ko gising na si Shreya at naghahanap ng dede, pero si Ardent pala. "What?" inaantok ngunit natatawa kong tanong kahit na naistorbo niya ang tulog ko. "Labas tayo," aya naman niya. It's still four in the morning. Ano naman kaya ang trip ng asawa ko? "Mag-jogging tayo?" Bumangon pa din naman ako. Nagsuot ako ng jogging pants at sweater. Ganoon din kasi ang suot niya. Binuhat pa niya ako pababa ng hagdanan na kinakilig ko. "Nahirapan ka bang makatulog?" nag-aalala kong tanong. Ang aga pa kasi. Weekend ngayon at masarap sanang matulog ng mahaba. Pero hindi naman ako makapagreklamo sa asawa ko. Okay din kung gusto niyang mag-jogging o gym ng ganito kaaga. May quality time pa kami para sa isa't isa. Dinala niya ako sa garahe. "A

