Nakaupo kami sa gilid habang pinapanood si Precia sa pagbabalot ng kaniyang mga regalo para sa mga Dela Vega. As usual, gusto na naman niyang balutin, kahit na ilalagay naman ito sa box. Ardent and I both sighed. Naglagay pa siya ng mga sulat sa bawat regalo na babalutin niya. She wants everything to be perfect. Bawal magkamali. Pati iyong pagkakasulat ng bawat letra at kataga ay dapat pantay-pantay. Nasulatan na niya iyong para kina Mirielle at Janina. Binigyan niya si Janina ng isang maliit na purse. Hindi sana siya bibili para sa babae, para lang dapat sa mga batang kaibigan, ngunit nagustuhan niya ito. Bukambibig din niya habang nag-s-shopping kaya binayaran na lang din ni Daddy. Tapos na niyang balutin iyong kina Mirielle at Janina. Sunod na ang para sa mga lalake. Kumuha si

