Nagbibihis ako nang tumawag si Beryl. Ilang araw na din pala akong hindi nakakapag-update sa kaniya. Baka galit na naman ito at manenermon na naman. "Yes, Beryl?" "Akala ko hindi mo na naman sasagutin." "Sorry naman, busy lang at nai-stress ako," sagot ko naman. Ni-loud speaker ko na muna upang maipagpatuloy ko ang pagbibihis. "Stress saan?" "Wala! Ayos na ako kahit paano." "Mukhang ayos na ayos nga," she said. "Nakita ko iyong post ni Roger kahapon." "Post? What post? Hindi naman ako updated sa social media niya. Hindi ko siya fina-follow at hindi din ini-stalk." "Baka big deal na connected na naman kami sa social media, ha? I-blocked ko na lang siya ulit." I rolled my eyes. "Ano'ng issue? Baliw ka talaga!" "Akala ko kasi big deal sa'yo iyong past namin, e." "Baliw!" "Nag-po

