ALLY AND ROGER 19

2307 Words

Pagkatapos ng ginawa namin nakatulog na siya agad. Napagod din naman ako pero nagising pa din ako around midnight dahil nagugutom ang little monster sa aking sinapupunan. Hindi ko na siya ginising pa dahil mukhang hindi naman siya magpapagising. Ang lakas pa ng hilik. Napangisi ako. Akala mo, ah. Mas matibay pa din pala ako kaysa sa'yo. Nag-sandwich lang ako at gatas. Pagkatapos kumain ay bumalik din ako sa pagtulog. Niyugyog ko ang katawan ni Roger para matigil siya sa paghilik. Hindi pa din siya nagising, sa halip ay dumapa lang siya. Nakasimangot ako nang magising ako ng six am. Tulog na tulog pa din siya. Dapat gising na siya ng ganitong oras, kaso mukhang wala siyang planong magising. Bumalik na lang din muna ako sa pagtulog. Ramdam ko ang pagkagutom pero mas lamang ang antok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD