Tapos na akong maligo, nagpapahid na lang ako ngayon ng lotion sa aking balat. Napatingin ako sa orasan. Thirty minutes na. Tapos na siguro ang meeting niya ngayon. Pauwi na siya? Kapag na-late ka sa oras na sinabi mo, hindi na kita pagbibigyan pa. Naka-panty lang ako dahil hinihintay kong ma-absorb ng aking balat ang lotion na pinahid ko, maparami kasi. Nagsusuklay ako nang magbukas ang pintuan ng room. Napalingon ako kay Roger na awang ang labi habang nakatitig sa aking katawan. May dala siyang bulaklak. Mukhang minadali lang niya ang kaniyang meeting. "Para saan iyang bulaklak?" tanong ko. Ilang araw na siyang umuuwi dito na may dala-dalang bulaklak para sa akin. Hindi ko na inuusisa pa kung bakit niya ako binibigyan nito. "Nagtatampo ang Mommy ng baby ko, e." Tss! Inirapa

