Humikab si Mama. I was waiting for her to fall asleep. Si Daddy ay hindi pa bumabalik dito sa kuwarto. Si Ardent at ang head ng mga agents ay nag-uusap sa sulok. "Sa labas na muna kami, babe," paalam niya. I nodded. Binalik ko ang tingin ko kay Mama. Nakapikit siya pero alam kong hindi pa tulog. Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Ang kaniyang noo, bago ang kaniyang pisngi na mayroong peklat. I kissed it gently. She hummed and then gave me a hug. "I love you, Beryl." "I love you too, Mama." Pagkatapos ng ilang minuto, nakatulog din siya. Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Kinumutan ko siya bago ako lumabas ng kaniyang silid. Nasa living room sina Daddy, Ardent at mga agents. Nagpaplano sila ng tamang gawin. "Si Ally, Daddy? How's my sister?" Dad sighed. May dumaan na lungkot sa k

