THIRD POV

1705 Words

Niyakap ni Sheryl si Ally. Hindi naman inaasahan ni Ally ang ginawa ng babae na ginawan ng kalupitan ng kaniyang ina. Yakap siya ng babae habang patuloy siya sa pag-iyak. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad. Alam niyang hindi sapat iyon, pero gusto niyang sambitin ng paulit-ulit dahil pakiramdam niya ay kailangan niyang gawin. Anak siya ng kaniyang ina. Kahit hindi siya lumaki sa pangangalaga ng babaeng iyon, hindi niya kailanman puwedeng itanggi na dugo't laman siya nito. Habang buhay siyang hihingi ng tawad sa babaeng kahit ginawan ng kalupitan ng sariling ina, ay nagawa pa din siyang yakapin at patawarin. "Tahan na, Ally. Makakasama sa'yo ang pag-iyak. Bawal kang ma-stress," mahinahong sambit ng ginang sa kaniya. Paano nito nagagawang maging mahinahon? Paano? Sinira ng kaniyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD