SERVED

1708 Words

Napangiti si Beryl nang madatnan niya sa garden ang kaniyang kapatid. Lumabas na ito ng kaniyang silid at nakikita niyang nakangiti na ito at tumatawa. Abala ito sa pakikipagharutan sa kaniyang asawa. Mabuti na lang at nandito na si Roger. Maayos na ang kaniyang kapatid. "Good morning," bati niya sa dalawa nang makalapit siya sa mga ito. "Morning..." Nakangiti ang dalawa sa kaniya. Bumeso siya kay Ally bago siya naupo sa bakanteng silya upang makakain na din. Tulog pa ang mga bata. At si Ardent naman ay maagang pumasok sa trabaho. Hapon pa ang klase niya kaya may oras pa siya para makipagkuwentuhan sa kaniyang kapatid habang kumakain ng almusal. "Ano pala ang plano sa..." Napatingin siya kay Ally. Batid niyang tungkol sa ina nito ang tinutukoy niya. Beryl sighed and think for

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD