"How's school?" Tumigil saglit sa paglalakad si Precia. Kararating lang niya sa kanilang bahay. Pagod na siya at inaantok. Baka hindi na din siya makakain ng dinner dahil papikit na talaga ang kaniyang mga mata. "Ayos naman po, Mommy." "Tumawag kanina si Mirielle." "Why, Mommy? Bumalik na ba sila sa Europe?" "Wala namang sinabi. I think she just called para makipag-chikahan." Ang alam niya ay bukas na ang alis ng mga ito. Babalik na sila sa Europe. She was planning to visit them earlier but she can't skip school. Magkita na lang ulit sila kung kailanman iyon. After this school year, kailangan niyang magseryoso sa kaniyang masteral at board. Tumango-tango siya. "I wanted to chat with you, Mom, but I'm really really tired and sleepy." Napahikab siya. Parang hindi na nga niya kayan

