Tapos nang mag-masteral si Precia pero hindi pa din siya tapos mag-aral. Hindi pa siya napapagod mag-aral. Bata pa siya. At pwedeng-puwede niyang kunin ang lahat ng kurso na nais niya. She has all the resources and she has the brain. Palapit na ang kaniyang seventeenth birthday and she's been looking forward to it. Bakit? Well, alam niyang dadalo ang pamilya ng mga dela Vega. Kung dati hindi siya interesado sa mga nakaraang birthday party niya. Ngayon ay iba. Siya na din nga ang nagtanong sa kaniyang ina ng details para sa kaniyang party. The Clementine was very happy about it. Ilang buwan pa lang ay naghanda na sila para sa party niya. Mas enggrande ang party niya ngayong taon kumpara sa mga nagdaang mga taon. Iyong gown ay siya mismo ang nag-design. P-in-olish na lang ng isang

