"Shut up, Darrion!" Tawa lang naman nang tawa si Darrion. Tuwang-tuwa talaga siya kapag naaasar at napipikon sa kaniya ang kaniyang Ate. Sadyang maligalig talaga siyang bata. At ganito din siya maglambing sa kapatid. Lumapit si Kian upang tulungan na bumangon at tumayo si Precia. Nakadapa siya sa may grass at hirap na hirap na bumangon at tumayo dahil sa suot na mabigat na gown at mataas na heels. Nahiya pa si Precia na ibigay ang kamay sa lalake. Napataas naman ang kilay ni Darrion. Sa huli ay inabot din ni Precia ang kamay niya. Namula ang kaniyang pisngi dahil sa hiya at kaba. Sana hindi mapansin ni Kian ang abnormal na t***k ng puso ko, piping dasal niya. Napailing-iling naman si Darrion. Hindi pa din ito umaalis. Naiinis tuloy lalo si Precia. Bakit ba nakabantay ang kaniyang

