After her birthday, halos hindi na naman sila magkausap ni Mirielle. Nadagdagan pa ang ka-busy-han niya. Bukod sa law school tumanggap din siya ng ilang trabaho. Umuuwi lang siya ng bahay para maligo, kumain at matulog ng kaunti. Wala na din siyang balita ulit sa mga dela Vega. Madalas niyang maisip iyong mga kaganapan nang nakaraan niyang birthday pero hindi niya ito puwedeng dibdibin. She can't be distracted. Mahalaga ang pag-aaral. And she wanted to make sure na lahat ng nasa pangarap at bucket list niya ay matutupad at magagawa niya. Hindi na din gaanong nag-aalala ang kaniyang mga magulang. Proud na proud ang mga ito sa kanilang panganay na anak, dahil after ng birthday party nito, akala nila magtutuloy-tuloy na ang communication nila ni Kian.. Akala nila lagi na nitong hawak a

