Napatingin si Precia sa suot niyang bracelet. Iniisip niya kung huhubarin na ba niya ito. As in, hindi na isusuot kailan man. Itatago na lang niya sa kaniyang jewelry box. Hapon na pero hindi pa din mawala sa isipan niya iyong nangyari kanina. Mabuti na nga lang at hindi gaanong naapektuhan ang performance niya sa school. Pero wala siyang kapayapaan. May mga sandaling bigla na lang pumapasok sa isipan niya iyong nangyari. Iyong hiya na nararamdaman niya dahil kababae niyang tao pero siya pa talaga ang tumawag. Alas-singko lang ng umaga kanina sa Europe. Damn! Nagsisisi din siya kung bakit siya tumawag. Mapait siyang ngumiti. Umiling-iling siya. Winawaksi sa kaniyang isipan iyong mga nangyari. It's okay. Just don't call and think of him ever again, she reminded herself. Huhuba

