"Hi, Mommy!" Nagulat pa si Beryl dahil alas-otso pa lang pero nandito na ang kaniyang anak. Hindi siya sanay na maaga itong umuwi. Masaya ang mukha ng anak. Maaliwalas kahit na pagod ito sa buong linggo. Friday lang ngayon. Ilang araw ang nakaraan pagkatapos dumalaw si Kian sa US. Tumikhim si Beryl. "Hello, baby. Maaga ka yata ngayon, ah." Nagtaas siya ng kilay. Nakita din niya si Ardent palapit ito sa kanila. "Yes, Mommy. Friday to Sunday, maaga akong uuwi para makapag-dinner kasama niyo." Napangiti si Beryl. "That's good, hija. Alam mo, nami-mis ka namin lagi ng Daddy at mga kapatid mo." "Hi, baby..." Niyakap at hinalikan ni Ardent ang kaniyang dalaga. "Maaga ka yata ngayon?" Nagkatinginan silang mag-asawa. Nagpigil naman ng tawa si Beryl. Pinagpatuloy na lang ang paghahalo

