Mula nang last na dinner ng pamilya, hindi na ulit sila nakumpleto. Hanggang ngayon ay napipikon pa din si Precia sa kaniyang mga kapatid. Iniiwasan niya muna na makita ang mga ito. It's been a busy week. Tinuon na lang niya ang oras at panahon sa school at sa work. Late na naman siyang umuuwi at hindi na naman kumakain sa tamang oras. Minsan, isang beses lang siya kung kumain. Papikit na ang kaniyang mga mata habang naglalakad papasok ng bahay. Binati siya ng dalawang maid na nasa living room. Hindi siya tumugon, dahil nagmamadali na siyang makarating sa kaniyang kuwarto upang matulog. "Ma'am, may bisita po kayo..." Pikit ang isang mata niya na nilingon ang maid. Nasulyapan niya ang isang bulto ng lalake na nakatayo at nakatingin sa kaniya. Am I dreaming? tanong ni Precia sa ka

