Nakasimangot ako habang pinagtutulungan ako nina Daddy at Beryl. "Pag-usapan na lang po muna namin ni Ally ang tungkol dito, Sir," mahinahong sabi ni Roger sa Daddy ko na halatang nang-aasar. He keep on insisting about the wedding. Sinasabi pa niya na next month daw ay magpakasal na kami. Hindi ba't dapat kami ni Roger ang nagtatakda ng date at hindi sila? "Fine. Pero huwag niyo namang patagalin, okay?" sabi ni Daddy. And his Dad agreed. Wala na akong gana tuloy. Masaya na nakakainis. "So, paano. Mag-usap usap ulit tayo kapag nakapag-decide na sila sa date ng wedding," sabi ni Daddy. Hindi na lang ako umimik pa. Kailangan muna naming pag-usapan ni Roger ang tungkol sa bagay na 'to. Sa totoo lang, gulat na gulat pa din ako dahil sa biglaang pag-propose niya nang nakaraan. Kasaba

