Pagod pero masarap ang aking gising kinaumagahan. Alas-siete na pero tulog pa din si Roger hanggang ngayon. Siguro ay nagbabawi siya ng tulog. Nahirapan daw kasi siyang matulog nitong mga ngadaang gabi na hindi kami magkasama. Bumangon na ako dahil nagugutom na ang aking baby. Kanina pa ito nagwawala sa loob ko, kaya kahit gusto ko pa sanang matulog, napilitan na akong bumangon. May maid na naglilinis sa sala. Nang makita ako ay binati niya ako ng good morning. Nakita ko siya noon sa bahay ng mga Agoncillo. Sana hindi siya spy. Nagluto na siya ng kanin, hot dog and bacon pero hindi ito ang gusto kong kainin ngayong umaga. I'll just cook for myself. Tingin ko madami ang makakain ko ngayon. Napalingon ako nang maramdaman ko na may mga pares ng mga mata na nakatingin sa akin. Tipid

