Pagdating namin ng NAIA sinipon ako. Nanibago suguro ako sa weather dito sa Pinas. Dahil doon sinabihan ako ni Ardent na magpahinga muna ako ng two weeks bago ako pumasok sa kompanya. "Two weeks?" Ngumuso ako. "Oo. Magpahinga ka muna ng husto." "Sabi niyo, tambak ang trabaho sa opisina?" "Kaya na namin iyon ni Kuya." Sabagay. Susulitin ko na muna ang dalawang linggo na makasama twenty four hours ang mga anak ko. Napangiti ako nang makarating kami sa mansyon ng mga Clementine. Na-miss ko ang tahanan na 'to. Kung saan ko naranasan magkaroon ng isang pamilya. Nakahilera ang mga empleyado sa labas. Sabay-sabay nila kaming binati. Nandito din si Ine na mangiyak-ngiyak. "Ate Ine!" tuwang-tuwa namang tawag sa kaniya ni Precia. "Kilala mo pa ako?" Bumalik siya noon ng Pinas dahil

