"Number one, always be present..." Napailing kami ni Ardent nang mahanap namin ang anak namin dito sa labas. Sobrang aga na naman niyang gumising. At sobrang aga din ng aking ama. Masinsinan ang pag-uusap ng mag-lolo. Precia was giving her lolo some advice para sa panliligaw nito kay Mama. Invested ang anak ko sa love story ng kaniyang lolo at lola. "I'm doing that," sagot naman ni Daddy. Umaga bago siya pumasok ng work, nandito na siya. May bitbit na bulaklak at breakfast para kay Mama. Syempre damay na din lahat ng tao dito sa mansyon. "I'm also giving her flowers..." seryoso ang mukha ni Daddy. Talagang sineseryoso niya itong session nila ng kaniyang apo. "Ang bilis lumaki ng unica hija natin..." nakangusong sambit ko sa aking asawa. "From lawyer to love guru..." Ardent chuc

