"Ikaw talaga, hindi naman ako bine-brainwash ni Ally, kung iyan ang iniisip mo," sabi ko kay Ardent. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Nagtataka na nga din ako kung bakit ganoon ang reaksyon niya tuwing nadadatnan niya kami ni Ally tuwing hapon. Hinihila niya ako. O kaya hahalikan niya ako na parang walang ibang taong nakatingin. Praning talaga. Hindi siya umimik. Nakaakap lang siya sa akin na sa bawat kilos ko ay nakasunod siya. Hindi siya bumibitaw sa akin. "I love you so much, babe." Napangiti ako. "I know, babe. And I love you so much too." Humarap ako sa kaniya at hinaplos ko ang kaniyang mukha. Pagod araw-araw pero bakit guwapo pa din. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon pero mukha lang siyang nasa twenty's. "Ano'ng skin care mo?" tanong ko. Imbes na plano kong mag

