Warning : Slightly SPG! --- Tumawa ng malakas si Theon dahil sa sinabi ko. Sumingot ako dahil wala namang nakakatawa sa balitang nakabuntis siya. Dapat nga galit ako pero hindi ko magawang magalit ng tuluyan. Siguro mahal ko lang talaga siya ng sobra. "Anong nakakatawa?" nakasimangot kong singhal sa kanya at humalukipkip. Lumapit siya sa akin at niyakap ako, yung yakap na may kasamang singhot sa leeg. Bolta-boltaheng kuryente ang hatid non sa katawan ko. "Wala. Nagseselos ka noh?" natatawang tanong nito. Naningkit ang mga mata ko at hinarap siya. Ako nagseselos? Hindi ako nagseselos, nagagalit ako. Sino ang hindi magagalit kung malaman mo na ang asawa mo ay nakabuntis ng iba. "Hindi." sakastikong sagot ko at lumayo sa kanya. Huminga ito ng malalim at lumapit na naman sa akin. Hinatak

