Sabay kaming pumasok ng opisina ni Theon dahil gusto niya na siya ang maghahatid sa akin sa opisina ko bago din siya tutuloy ng Mondego Empire. Habang nasa byahe ay hawak niya ang tummy kong di pa naman ganun kalaki. Ganun siya kaexcited para sa magiging baby namin. "I will be the best father for him." aniya habang nasa kalsada ang tingin. Napangiti ako, masaya lang at ang sarap isipin na hindi pa man lumalabas ang anak namin ay mahal na ito ng ama niya. "Him ka diyan, hindi pa nga lumalabas." natatawang sabi ko sa kanya. Bumaling siya sa akin at inabot ang kamay ko sabay dala sa labi niya para halikan. Parang biglang uminit ang pisngi ko at the same time ay nagwawala na naman ang insekto sa tiyan ko. "I want a baby boy, pero kung anong ibibigay ng Panginoon ay mamahalin ko pa din. He's

