“Sonia, ano na ang tungkol kay Lyza?” tanong ni Siana, tatlong araw mula ng malaman niya na nasa kastilyo si Lyza. Sinusuklayan siya ni Sonia dahil katatapos lang niyang maligo at magbihis. Sa balkonahe ng sariling silid siya mag-uumagahan dahil tatlong araw na rin simula ng maging abala ang emperador at hindi sila halos nagkikita. “Princess, madalas akong umikot sa kastilyo maliban sa mga ipinagbabawal na daanan. Tingin ko hindi naman pinapagamit ang mga silid na pribado, hindi ko alam kung totoo ba na nasa kastilyo ang prinsesa Lyza o baka nakatira siya sa ibang lugar.” “Ibang lugar?” takang tanong ni Siana. “Kapag dumiretso ka sa kakahuyan may sabi-sabi akong narinig sa mga tagasilbi na mayroong tore sa dulong bahagi no’n na madalas puntahan ng emperador para mapag-isa. Ang tore na

