** Nasisiguro na ni Siana na masarap ang nailuto niya dahil todo bantay ang mga kasamahan niya. Tinuruan din siya ng mga ito ng mga sangkap na maganda at ‘di magandang magkasama. Maging ang herbal na gamot na makakatulong kung isasangkap sa pagkain. Lahat ng iyon ay ikinatuwa ni Siana, parang gusto niya lalong maging bihasa sa pagluluto. Alam ni Siana ang malaking disgusto ng mga tagasilbi ng kastilyo sa kanya kaya naman iniiwasan niya na lang humingi ng pabor sa mga ito. “May mga bagong tagasilbi na pumalit doon sa mga pinalitan. Iyong pinalitan bago pa tayo makapasok sa kastilyo.” Sabi ni Maria. Nalingon naman ni Siana ang nag-uusap na si Maria at Sonia. “Kaya pala abala ang mga matataas sa kusina dahil dito mapupunta ‘yong mga kababaihang bago.” Sabi ni Sonia. “Balita ko nga ang i

