Hindi mapigil ni Lyza ang matakot. Nanginginig ang kanyang palad habang ang ama ay abala sa pakikipag-usap sa isang pinuno mula sa isa sa kaharian na nasa ilalim ng Dark Island. Ang mga naroon karamihan ay nakaitim at madilim ang palasyong kinalalagyan nila, ang ilaw na ginagamit ng mga ito ay mapupula kaya kinakabahan si Lyza. Pero ang kanyang ama ay kampante at mukhang madalas sa lugar. Uso ang samahan ng mga imperyo pero mayroon din naman na nagso-solo. Ang kilalang mga imperyo na may sama-samang kaharian ay ang Zone 66 na nasa ilalim ni Neo Ygdrassil, ang imperyo ng Griffin na nasa ilalim naman ng emperador Larius Demeus Griffin, at ang Dark Island naman bagaman ay sama-samang kaharian walang nakalalamang sa mga ito pero magkakakampi ang mga ito at binubuo ang lugar

