Nag-usap ang Emperador at ang hari. Habang ako ay kulang na lang ay talupan ng buhay ng mga servants ko. Hindi ko alam kung tubig pa ba o pabango ‘tong nasa paliguan ko. Napakaingay din nila. “Grabe naman kayo baka naman pati balat ko matuklap ninyo.” Reklamo ko. “Princess, ito na ang araw na mas magiging iisa kayo ng kamahalan!” ani Aliya. “Tama ka ro’n, Aliya!” excited din si Karina. Si Sonia ay nakatayo lamang at nakahalukipkip. “Para naman ito ang una nila ng kamahalan, nang dalhin siya sa malayo ng kamahalan ay maaaring may naganap na at ngayon nga ay ‘di niya malimot ang prinsesa!” tila nag-daydream pa si Sharina. Tumaas ang kilay ni Sonia. “Mas mabuti pa ay ipakilala mo rin si Sonia sa Royal Knight na palaging nagpupunta rito,” ani Maria na katabi ni Sonia. “Hindi ko kail

