“K-kamahalan,” tumingala ako sa kanya. Pinunasan niya ang labi ko na kinakagat ko nang paulit-ulit kanina. Lumapit ang kanyang mukha sa ‘kin pero hindi lumapat ang kanyang labi. “Kamahalan,” bulong ko. Kusang bumuka ang labi ko, gusto ko nang mas mainit at sensuwal na halik. Hinawakan ng kamahalan ang aking baba, napalunok ako. Bakit hindi pa niya ‘ko hinahalikan? Bakit sobrang frustrated ng pakiramdam? “Hindi na ‘yon mauulit, Siana. Hindi ka puwedeng hawakan nino man, nauunawaan mo ba?” Para akong de-makinang tumungo at pumayag ng walang pag-aalinlangan. “At kung masunurin ka—“ “Kamahalan, h-halikan mo ako.” Nakita kong gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Kinabig ko ang kanyang ulo at ako ang umangkin sa kanyang labi. Hindi naman ako binigo ng kamahalan at tinugon niya a

